PatrolPH

Virtual giant lantern festival, exhibition sa San Fernando, Pampanga, kasado na

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2020 10:47 PM

Kasado na ang virtual giant lantern festival at exhibition sa San Fernando City, Pampanga ngayong Miyerkoles ng gabi.

Tampok ang giant lantern ng mga barangay ng Sto. Niño, San Juan, San Nicolas, Sta Lucia, Bulaon, Telabastagan At Calulut.

Maiiba ngayong taon ang “ligligang parul” dahil walang magaganap na kompetisyon at tanging exhibition lang ng mga sumaling barangay ang makikita.

Watch more on iWantTFC

Wala ring live audience kaya limitado lang ang mga upuan para sa ilang piling mga bisita bilang pagsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.

Mapapanood ang palabas sa isang local TV channel at sa social media. 

Nag-last minute check pa ang mga organizer sa mga koneksyon at wirings.

“Hindi po iilaw kung hindi nakalagay ‘yung kuryente sa clip,” sabi ni Jeremiah Balboa, isang giant lantern crew.

Inaantabayan din ng ilan kung bubuhos ang ulan, lalo’t makulimlim ang panahon.

“Depende po kung gaano kalakas. Kung malakas, hindi po pwede,” dagdag pa ni Balboa.-- Ulat ni Gracie Rutao
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.