PatrolPH

P3.4-M shabu nakumpiska sa Pampanga; 3 suspek tiklo

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2020 11:07 AM

P3.4-M shabu nakumpiska sa Pampanga; 3 suspek tiklo 1
Narekober mula sa tatlong suspek ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P3.4 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa San Fernando, Pampanga. Larawan mula sa City of San Fernando Police

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa San Fernando, Pampanga, Martes ng hapon.

Tinatayang nasa 500 gramo ng shabu ang nakuha sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pampanga at ng Tarlac Provincial Police Office sa Barangay San Jose.

Naaresto sa operasyon sina Crispin San Pedro, 28-anyos; Roldan Escajilla, 23; at Jover Quijano, 28.

Kinasuhan na ang tatlong suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.