6 sasakyan inararo ng SUV sa Bulacan; 3 patay

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 05:43 PM | Updated as of Dec 16 2019 07:19 PM

Tatlong tao ang kumpirmadong patay matapos araruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang 6 sasakyan sa kahabaan ng McArthur Highway sa Bocaue, Bulacan ngayong Lunes.

Pababa ng flyover sa southbound lane ng McArthur Highway ang SUV nang salpukin nito ang isang motorsiklo, ayon sa mga pulis.

Sinubukan umano ng SUV na takasan ang kaniyang nabundol at nag-counterflow, dahilan para maararo ang 6 sasakyan, karamihan ay mga tricycle at motorsiklo.

Watch more in iWantTFC

Bukod sa 3 dead on the spot, 4 na tao ang itinakbo sa pagamutan, kabilang ang driver ng SUV na kinilalang si Fernando Salvador Roxas.

Posibleng makasuhan ng reckless impudence resulting in multiple homicide and damage to property ang driver ng SUV, ani Bulacan police chief Col. Emma Libunao.

Sasailalim din sa drug test si Roxas matapos magamot.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.