Lalaking naglalaro ng video game, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2018 08:07 AM

 

MANILA - Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. 20, Zone 2, Isla Puting Bato sa may Pier 2 sa Maynila.

Nakahandusay sa harap ng computer ang katawan ni Radem Edem na residente ng lugar.

Ayon sa mga kapitbahay, naglalaro ng video game si Edem nang may lumapit umano na lalaki dito at pinagbabaril siya hanggang sa mamatay.

Hindi pa alam ang motibo sa krimen, pero ayon sa barangay kagawad na si Fressie Amistoso, dati umanong dawit sa kaso ng pagnanakaw at paggamit ng droga ang biktima.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.