Failon Ngayon: BeauCon

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2018 10:54 AM

Ngayong Lunes, sabay-sabay na namang ikakampanya ng Pilipinas ang ating kandidata sa Miss Universe 2018. Tulad ng basketball at boxing, ipapanalangin nating maiuwi ang korona sa bansa.

Tutok na tutok din si Zahra Bianca Saldua sa mga patimpalak kagandahan, hindi lang bilang taga-panood, kundi bilang kontesera. BA Communication Arts graduate si Zarah pero imbes na pumasok sa radyo, TV o pelikula, mas nalinya na ngayon sa pagrampa at pagsali sa mga beauty contest o beaucon.

Ayon sa isang beauty camp na kilala bilang Kagandahang Flores, maituturing nang industriya ang mga beaucon sa bansa.

Paliwanag ni Rodin Gilbert Flores na founder nito, “Deeply rooted ‘yan sa kultura natin. Mayroon tayong tinatawag na “sagala” or “Santa Cruzan”. Doon palang ‘di ba, pinipili na nila ‘yung mga sasagala or ‘yong mga reyna, ‘yong pinaka magaganda na sa bawat lugar. So, in a way, parang pageant na din siya. Normally kasi kahit nasa probinsya level ka, meron na silang handlers. ‘Pag sinabi kasing handlers, they take care of everything. They take care of the grooming, the glam, yung tinatawag nating glam team. Of course, they also train their girls. So doon palang, may support system na yung mga sumasali sa pageants.”

Dito rin sa atin, samu’t saring organisasyon na ang binuo para magsagawa ng pageant. Ang iba, pang international pa ang titulong maiuuwi. Nandyan ang Binibining Pilipinas, Miss Earth, Miss World Philippines at Mutya ng Pilipinas. At pangkaraniwan pa sa mga beauty pageant organizer na ito ay may kaakibat na kawang-gawa.
Sa kaliwa’t kanang beauty contest na ginaganap sa ating bansa, maituturing na nga itong bagong industriya na kinakarir ng mga kontesera. Ang tanong... ang mga palarong ito, nababantayan naman ba? Kung gumagawa ng tama?

Ayon sa isang tax expert, kung may perang napapanalunan. Ito’y dapat binubuwisan. Paliwanag ditto ni Atty. Ralph Calinisan, CPA Lawyer, “Dapat may tax ang lahat ng napapanalunan, pero kung gusto i-exempt dapat may law. Pero sa ngayon kasi wala pang batas tungkol ditto. Dapat ang mag hain nito ay ang majority ng Congress at ia-approve na lang ng Senate, Congress dapat ang mag file dahil ito ung nasa constitute.”

Nang manalo nga si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe ay naging usapin ang paniningil ng BIR ng buwis sa kanyang panalo.

Naghain naman ang kongreso noon ng tax exemption para sa beauty queen. Paliwanag dito ni Senator Koko Pimentel, Chairperson ng Trade, Commerce and Entrepreneurship, “Yung kay Pia kasi naghain ako na maexempt siya sa tax, pero dahil hindi siya napagbigyan at matatapos na ung 16th congress naghain nalang ako ng panibagong bill. Pending ngayon sa senado na lahat hindi lang beauty queens pati narin mga athlete basta nakapag bigay ng parangal sa bansa, tax exempted na.”

Samantala, isyu rin sa mga beaucon ang panggogoyo ng ilang organizers sa mga sumasali. Isa sa naging biktima nito ang Miss Q&A top 3 Lars Pacheco. Na tinakbuhan sa kanyang premyo.

Ayon sa Philippine National Police, kung sakaling ikaw ay takbuhan ng mga beauty contest organizer.

Kahit may ganitong pangyayari sa industriya ng pagandahan, hindi naman nakikitaan ng isang regulatory commission ang mga beauty contest sa bansa. Pahayag naman ni Rodin Gilbert Floresng Kagandahan Flores, “With the recent issues na nangyayari hindi naman kinakailangan ng government intervention. Nangyayari din naman talaga yan. Mabuti na nabrought up yan kasi mas naiinform sila. Hindi siya necessary dahil professionals naman ang mga organizers.”

___________

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I Can See Your Voice
11:00 ng gabi sa ABS-CBN!

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.

I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph