3 arestado sa buy-bust sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2018 08:05 AM

MANILA - Tatlong sangkot umano sa pagbebenta at paggamit ng bawal na gamot ang inaresto sa buy-bust operation ng Marikina PNP noong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, inaresto nila ang mga suspek na sina alyas Butchoy, 36 anyos; Gerry, 54 anyos; at Budoy 30 anyos sa Brgy. Malanday matapos mahuli ang mga ito na nagbebenta ng hinihinalang shabu.

Isang pulis ang nagpanggap bilang buyer at matapos itong makabili ng isang sachet ay agad inaresto sina Butchoy at kasabwat nitong sina Gerry at Budoy.

Narekober sa mga suspek ang 6 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu .

Nahaharap sa mga kasong pagbebenta ng bawal na gamot ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.