Nasa 13,000 pasahero, stranded dahil sa 'Urduja'

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 09:04 PM | Updated as of Dec 16 2017 11:07 PM

MANILA- Nasa 13,000 pasahero na ang stranded sa mga pantalan matapos ipagbawal ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong "Urduja."

Higit 4,000 na pasahero ang stranded sa North Harbor sa Maynila, habang nasa 3,000 pasahero naman ang nasa Port Matnog sa Sorsogon. Nasa higit 1,000 pasahero naman ang nasa Port Jubasan sa Northern Samar habang daan-daan naman ang stranded sa iba't-ibang pantalan.

Nag-anunsyo na rin ang 2GO Travel ng pansamantalang kanselasyon ng mga biyahe samga sumusunod na pantalan:

  • Manila North Harbor Terminal - SFX, SRU, STC, SMA, SLG, at SAH
  • Batangas Port - SAP, SIL, SRD
  • Zamboanga Port - SAU
  • Cebu Port - SJP

Kanselado na rin ang biyahe ng karamihan sa mga eroplano dahil sa sama ng panahon.

Sa huling advisory ng Manila International Airport Authority, 39 na ang mga kanseladong flight papunta sa Bicol at Visayas kung saan nananalasa ngayon ang bagyo.

Kabilang sa mga nadagdag sa kanseladong flights ang mga biyahe ng Pal Express, Cebgo at Philippine Air Asia mula at pabalik sa Manila, Naga, Roxas, Caticlan at Tacloban.

English

Several ship voyages of 2GO have been cancelled due to continuous inclement weather brought about by Typhoon Urduja. As of 11AM, hold departure order is still enforced in the following ports. Below is the list of ports and vessels affected:

Manila North Harbor Terminal - SFX, SRU, STC, SMA, SLG, at SAH
Batangas Port - SAP, SIL, SRD
Zamboanga Port - SAU
Cebu Port - SJP

For everyone's safety, continue to monitor news from your homes. For more information, you may call 2GO Hotline at 02-5280000 to ask for updates or visit our Facebook fanpage.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.