700 pasahero ng MRT pinababa sa Boni station dahil sa aberya

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 03:18 PM

Nasa 700 pasahero ang pinababa sa MRT-3 matapos muling magkaaberya sa pahilagang bahagi ng Boni Station bandang 8:14 ng umaga Sabado.
    
Sa ulat ng MRT, problema sa electrical sub-component gaya ng regulator at insulator ang dahilan ng panibagong aberya sa nasabing linya.

Agad din na nakasakay ang mga pinababang pasahero sa kasunod na tren na dumating makalipas ang limang minuto.

Madalas ang aberya sa MRT dahil sa hindi maayos na maintenance dito. Tinatayang 500,000 pasahero araw-araw ang sumasakay dito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.