PatrolPH

Protest art exhibit para sa mga mangingisda, isinagawa sa Cavite

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2020 06:05 AM

MAYNILA - Ibinandera ang makukulay na mga layag sa isinagawang protest art exhibit na Against The Stream sa bahagi ng Manila Bay.

Pinangunahan ito ng mga miyembro ng advocacy group na Sama-samang Artista Para sa Kilusang Agraryo o SAKA.

 

Nangyari ang protest exhibit sa Manila Bay sa Bacoor, Cavite partikular na bahagi ng dagat na binakuran at una nang inireklamo dahil sa dulot nitong abala sa mga nangingisda sa laot. 

Nasa 12 visual artist ang lumikha sa mga artwork na ikinabit sa mga bangka na naglalarawan sa mga hamon na kinakaharap ng mga mangingisda, ayon kay Ronnel Arambulo, secretary general ng Pamalakaya.

Ilan sa mga inilarawan sa mga artwork ay ang problema sa teritoryo sa West Philippine Sea, reclamation ng mga pangisdaan, at demolisyon sa fishing communities.

Nagpasalamat naman ang mga mangingisda sa mga visual artist na kinikilala at nakikiisa sa laban nila sa pamamagitan ng sining.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.