Magkasintahan, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 10:02 AM | Updated as of Dec 15 2019 05:43 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Patay ang isang babae at lalaki matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Rina Lopez at Jarius Palacio. 

Ayon sa tatay ng babae na si Ricky Lopez, galing ng lamay ang dalawa. Nanalo ang mga ito sa sugal, pero nang pauwi na ay sinundan umano ng riding-in-tandem at pinagbabaril.

Ayon sa mga magulang ng dalawang biktima, walang kagalit ang mga anak nila.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.