Kapatid ng dating konsehal sa Bacolod, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 12:42 PM

BACOLOD -- Patay ang kapatid ng dating konsehal ng Bacolod City matapos na tambangan ng riding-in-tandem sa isang subdivision sa lungsod nitong Linggo ng umaga.

Nagmamaneho ng sasakyan ang biktimang si Robert "Kai Shek" Tan, kapatid ni dating konsehal Ricardo "Kano" Tan, nang tambangan, ayon sa pulisya.

Limang tama ng bala ang makikita sa bintana ng driver's seat.

Nagalit naman ang mga kaanak ng biktima dahil mahigit 2 oras bago dumating ang Scene of the Crime Operatives kaya't hindi kaagad nadala sa ospital ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon.

-- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.