5 patay, 10 sugatan sa salpukan ng van, bus sa Quezon

Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 09:08 AM | Updated as of Dec 15 2019 05:47 PM

Watch more in iWantTFC

Lima ang patay at 10 ang sugatan matapos magsalpukan ang isang van at pampasaherong bus sa bayan ng Pagbilao, Quezon nitong Sabado.

Southbound ang truck nang mawalan ng control at lumipat ng linya dahilan para mabangga ang kasalubong na bus na biyaheng Leyte, ayon kay Police Major Mederic Villarete, hepe ng Pagbilao Police.

Tinangka pa umanong umiwas ng bus, ayon sa driver nitong si Reynaldo Sampilo.

Kasalukuyang nasa Quezon Medical Center ang 10 pasahero na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Maayos naman ang kalagayan ng 23 pang pasahero na nasa barangay hall ng Silangang Malicboy.

Nangako naman ang kompanya ng bus na sasagutin ang lahat ng gastos sa hospital at ng mga namatayan.

Muling nagpapaalala ang pulisya ng ibayong pag-iingat lalo na at madalas ang aksidente sa nasabing lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.