Mag-live-in partner, patay sa pamamaril sa Caloocan

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 05:46 AM

Patay ang isang mag-live-in partner matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bagumbong, Caloocan.

Kinilala ang mga biktima na sina Luisito Bandola, 45, at Edna Umali, 47.

Kwento ng isang testigo, hinarang umano ang mga biktima na sakay ng motorsiklo at kinausap ng mga salarin.

Maya-maya, pinagbabaril na ang mga biktima, dagdag niya. Naka-jacket, sumbrero, at may takip sa mukha ang mga salarin.

Narekober ng pulisya ang 9 na basyo ng mga bala ng kalibre .45 at 9mm sa lugar.

Ayon kay Senior Insp. Adonis Escamillan, officer-in-charge ng Caloocan City Police Community Precinct 6, posibleng may kinalaman sa droga ang motibo sa pamamaril kung saan tulak umano ang mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.