Babaeng holdaper, arestado sa Batangas City

Ronilo Dagos, ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 09:12 PM

Isang babaeng holdaper ang inaresto ng awtoridad matapos na manlaban ang 71-anyos na biktima nito Huwebes ng hapon sa Batangas City.

Nakilala ang suspek na si Analiza Perez, 45-anyos, residente ng Barangay San Jose, Montalban, Rizal. Nakatakas naman ang kasamahan ng biktima na si Karla Cabuenas.

Base sa report ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maramdaman ni Agnes Mendoza, isang balikbayan, na nilalaslas na ang bag niya habang nasa palengke Barangay Cuta.

Pero tinutukan siya ng matalas na bagay ng suspek at sinabing kailangang lang nila ang kanyang pera.

Paalis na sana ang mga suspek bitbit na ang bag ng biktima na naglalaman ng $200 at iba pang dokumento nang bigla sungaban siya ng biktima at humingi ng tulong.

Agad na naaresto si Perez at naibalik ang bag sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.