3 patay nang ma-trap sa nasusunog na imprenta sa Recto

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 09:24 AM | Updated as of Dec 15 2017 10:02 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

Tatlo ang patay matapos masunog ang isang imprenta malapit sa Far Eastern University sa Recto, Maynila pasado alas-4 ng madaling araw, Biyernes.

Nasawi ang mga empleyado na sina Benjie Solis at Ronald Obiedo, parehong empleyado ng printing press, nang ma-trap sa loob ng nasusunog na gusali.

Samantala, isa pang 'di pa pinapangalanan na lalaki ang nasagip mula sa nagliliyab na gusali. Nawalan ng malay ang lalaki ng mailabas mula sa imprenta, ngunit naideklarang dead on arrival nang isugod sa ospital.

Ayon sa may-ari ng printing press na si Renato Daliso, idinaos ang Christmas party ng kumpanya sa loob ng gusali kagabi. 

Sabi ni Daliso may mga nagvideoke at nag-inuman sa loob ng imprenta ngunit hindi nila alam kung paano nagsimula ang sunog.

Idineklara ng mga awtoridad ang fire out bandang alas-5 ng umaga.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

- ilang ulat mula kay Arra Perez, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.