10 arestado sa buy bust sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 09:17 AM

Sampung katao ang naaresto ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa isang hotel sa Cubao, Quezon City, Biyernes ng madaling araw.
 
Nagpanggap na buyer ang agent ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District at agad na hinuli ang mga suspek pagkatapos ng transaksyon. Ilan sa mga suspek ay nakita rin sa 4 na kuwartong pinasok ng awtoridad.

Ayon kay DDEU team leader Senior Inspector Joel Cabauatan, kakaibang modus ang ginagawa ng mga tulak. Wala umanong mga foil or yung karaniwang drug paraphernalia na nakikita sa mga raid. Ang ginagawa ngayong, tutunawin ang shabu at ituturok sa katawan. Mas uso na daw ito dahil mas mabilis ang tama. 

Ayon sa pulisya, istilo ng mga suspek ang pumasok sa mga hotel kasi nandito ang mga customer na yung iba ay nagtuturok bago makipagtalik. Nasa 20 grams na shabu ang nakita na nagkakahalaga ng P100,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.