PatrolPH

Briton, kasamang Pinay timbog sa buy-bust sa Olongapo

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2020 09:59 PM

Briton, kasamang Pinay timbog sa buy-bust sa Olongapo 1
Isang British na lalaki at ang kasama niyang babae ang inartesti matapos makuhanan ng milyong-milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa Olongapo City. Kuha ng Police Regional Office 3

Naaresto ang isang British na lalaki at ang kasama niyang babaeng Pilipina sa isang buy-bust operation sa Olongapo City nitong Linggo.

Ayon sa mga awtoridad, naaresto ang mga suspek sa Del Pilar St. sa Brgy. Barretto matapos sila mahulihan ng 3 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat 105 gramo.

Isinuko din umano ng dayuhan ang nasa P3.5 milyong halaga ng ilegal na droga na nakatago sa kaniyang bahay. 

Nasa P4.2 milyong halaga ng naturang kontrabando ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO
 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.