Pulisya bibili ng higit P760-M halaga ng armas mula Israel

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 04:58 PM | Updated as of Dec 14 2019 05:43 PM

MAYNILA — Nasa 25,120 bagong units ng dekalidad na baril ang nakatakdang bilhin ng Philippine National Police (PNP) mula sa bansang Israel.

Bibilhin ang mga 5.56-mm basic assault rifle sa pamamagitan ng government-to-government agreement sa pagitan ng PNP bids and awards committee at ng Israel Ministry of Defense.

Nagkakahalaga ang mga baril ng P762 milyon.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa, matibay at dekalidad ang mga bibilhing armas, at nakatipid pa ang pamahalaan ng P41,000 bawat rifle.

Dagdag pa niya, pinili nila ang government-to-government transaction para umano "transparent" at iwas korapsyon.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.