3-anyos patay sa sunog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 05:13 PM

MAYNILA—Patay ang isang 3-anyos na babae habang sugatan naman ang 9-anyos na lalaki sa sunog na tumupok sa kabahayan sa Taguig City nitong Sabado.

Kinilala ang nasawi na si Precious Clarissa Parcarey. Nasa pagamutan naman si John Rey Mendevil.

Mga residente ng Ligid-Tipas sa Taguig ang mga biktima.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy sa Pinang Street bandang 8:26 ng umaga.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula 10:28 ng umaga.

Aabot sa 100 bahay ang natupok at tinatayang nasa P300,000 ang pinsala nito sa mga ari-arian.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.