FDA nagbabala laban sa mga hindi rehistradong cereal

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2018 03:07 PM | Updated as of Dec 14 2018 04:21 PM

MAYNILA- Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at pagkonsumo ng ilang cereal products na hindi rehistrado.

Kabilang na riyan ang General Mills Cocoa Puffs Naturally Flavored Frosted Corn Puffs, General Mills Golden Grahams Cereal, at General Mills Cheerios Chocolate Flavored Whole Grain Oat Cereal.

Batay sa pagbabantay ng FDA, hindi sumailalim sa pagrerehistro ang naturang mga produkto at wala ring tamang awtorisasyon. 

Dahil dito, hindi tiyak ang kalidad ng mga produkto at maaari pang makasama sa kalusugan. 

Pinaalalahanan rin ng FDA ang mga negosyante na maaari rin silang mapatawan ng parusa kapag nahuling nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto. 

Nanawagan din ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking hindi maibebenta sa kanilang lugar ang naturang mga produkto. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.