Drug suspect patay nang manlaban umano sa pulis sa Cavite

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2018 01:46 PM

SILANG, Cavite - Patay ang isang itinuturong tulak ng droga matapos umano manlaban sa mga pulis na nakatransaksyon niya sa isang buy-bust operation dito sa bayan, Biyernes.

Aarestuhin na sana ng mga undercover na pulis ang suspek na si Arnold Dela Paz matapos nitong iabot ang isang sachet ng shabu sa mga operatiba ngunit bumunot umano siya ng baril, sabi ni Chief Insp. Resty Soriano, hepe ng Silang police.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, si Dela Paz ay konektado sa mga drug dealer sa Dasmariñas.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang mga parokyano ng naturang grupo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.