ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Metro Manila, Disyembre 14-17

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2018 04:43 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula gabi ng Biyernes, Disyembre 14. 

Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi Biyernes, hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Disyembre 17, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND:

  •  C-5 Road katabi ng SM Aura, ikalawang lane mula sa median
  •  EDSA-pagkatapos ng Scout Borromeo, bago mag-Network Drive outer lane
  • Mac Arthur Highway Caloocan City sa gitna ng Calle Cuatro at Calle Uno 

NORTHBOUND:

  •  EDSA-pagkatapos ng Oliveros Street, ikalawang lane mula sa sidewalk
  • Mindanao Avenue, Valenzuela City, mula North Luzon Expressway hanggang P. Dela Cruz
  •  Batasan Road bago mag-Payatas Road, ikalawang lane mula sa gitna

Inabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.