Lalaking nanuntok ng pulis arestado

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2017 09:11 PM

DAPITAN CITY - Arestado ang isang 28-taong gulang na lalaki matapos nitong suntukin ang isang pulis sa isang sayawan sa Barangay Napo dito sa siyudad Miyerkoles.

Kasalukuyang nakakulong sa Dapitan City Police Station si Rodel Orong, miyembro ng Special Citizen Armed Force Geographical Unit Auxiliary.

Batay sa imbestigasyon, lasing si Orong nang suntukin niya sa mukha si SPO4 Jose Renault Tan, na sinubukang mamagitan sa isang kaguluhan sa sayawan.

"Last year, one of my police officers was also a victim of a commotion during a disco, so this year, we doubled the security in the area to maintain the order during the activity, but then again our chief intel (intelligence officer) is hurt," ani Supt. Glen Dulawan, hepe ng Dapitan City Police.

Nasugatan sa ilalim ng kaliwang mata si Tan.

Inamin naman ni Orong na nakainom siya nang suntukin niya si Tan. Hindi rin umano niya alam na pulis si Tan dahil hindi ito naka-uniporme nang mangyari ang insidente.

Haharap si Orong sa kasong direct assault.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.