Lalaking lasing, nasampolan sa anti-drunk driving law

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2017 05:13 AM

Arestado ang isang lalaki matapos umanong magmaneho ng lasing sa Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Nasampolan si Elmer Dela Cerna, 42-anyos, isang security officer, sa unang gabi ng operasyon ng pulisya sa pagpapatupad ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Pagewang-gewang umano ang motorsiklong minamaneho ni Dela Cerna. Wala ring suot na helmet ang angkas nito.

Pinailalim siya sa mga pagsusuri para malaman kung kaya ba niyang magmaneho kahit lasing kaso'y bumagsak ito.

Aminado naman si Dela Cerna na nakainom siya dahil galing siya sa isang Christmas party.

Ang lalabag sa RA 10586 ay maaaring makulong ng 3 buwan at magbayad ng piyansa hanggang P80,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.