Bahay, nabagsakan ng poste; 2 sugatan

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2017 02:56 PM

Dalawang katao ang naiulat na nasugatan matapos na mabagsakan ng poste ng kuryente ang kanilang bahay nang magka-landslide, Huwebes ng tanghali sa Tacloban.
 
Nangyari ang landslide sa Artemio Mate Avenue bandang alas-12 ng tanghali.

Ayon kay Remedios Cebu, nakarinig sila ng malakas na ingay at nabagsakan na lamang ng poste ang kanilang bahay.

Nasugatan sa paa ang kaniyang 3-taong gulang na apo, habang natamaan naman siya ng kahoy sa ulo.

Ginagamot na ngayon ang mag-lola.

Takot naman ang nararamdaman ng mga residente sa nasabing lugar kaya hiling nila sa gobyerno na palipatin na sila sa sinasabing relocation site na para sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.