4 sugatan sa salpukan ng pick-up at van

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2017 06:43 PM

Apat na katao ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang sasakyan Huwebes ng umaga sa Cebu City.

Nagkabanggaan ang pick-up at van na may sakay na mga turista sa pakurbadong bahagi ng kalsada sa Sitio Lower Busay sa Barangay Busay.
 
Ayon sa van driver na si Giovanni Agad, bigla na lamang inukupa ng pick-up ang kanyang lane kaya nagkabanggaan sila.

Nagtamo si Agad ng sugat sa noo at dinala na sa pagamutan habang ang driver ng pick-up na si John Vincent Banyog naman ay may sugat at pasa sa katawan. Nasugatan din sa aksidente ang kanyang asawa at isa sa mga pasahero ng van.

Base sa mga opisyal ng barangay, accident-prone area ang lugar lalo na kung umuulan at madulas ang kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.