2 kritikal matapos mabaril sa Mandaluyong

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2016 09:04 PM

MANILA – Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa Mandaluyong City, Miyerkules.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga pulis sa siyudad, kinilala ang mga biktima na sina Norman Esquillo at Frederick Jucal.

Ayon kay Police Officer 2 Darwin Jul, nakatambay ang mga biktima sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Burol nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo. 

Mabilis nakatakas ang mga ito at kasalukuyang pinaghahahanap ng mga pulis.

Ayon sa mga pulis, si Esquillo ay nasa drug watchlist sa kanilang lugar. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad habang wala pang nakikitang konkretong motibo sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.