P3-milyong halaga ng ari-arian natupok sa warehouse sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 05:53 AM

Watch more in iWantTFC
Fred Cipres, ABS-CBN News

MAYNILA—Nasunog ang isang warehouse sa Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-6:20 ng gabi at umabot ng higit 7 oras bago maideklarang under control ang sunog.

Pagmamay-ari ng Standard Realty Corp. at Asiawide Industrial Corp. ang warehouse sa Earnshaw St., Gagalangin.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil sa mga gamit na nakaimbak sa warehouse, gaya ng mga karton at foam.

Tinatayang nasa P3 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian. Wala namang nasaktan sa insidente habang inaalam pa ang sanhi ng sunog.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.