Mga senador hinikayat ang paggamit ng recycled na pandekorasyon sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 08:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sa gitna ng makulay, masaya, at maingay na pagsalubong ng mga Pilipino sa Pasko at Bagong Taon, ilang senador ang humihikayat na recycled materials na ang gamiting pandekorasyon bilang pangtulong sa kalikasan. 

Katunayan, marami sa mga mambabatas na ito ay gumagamit na mismo ng mga makakalikasang materyales. 

Ang tanggapan ni Sen. Nancy Binay, mga dahong hinaluan ng ibang dekorasyon ang palamuti sa pintuan.

Mga tuyong sanga naman ng puno ang pambungad na Christmas design sa tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros.

Fish net at pamaymay naman ang tema ng Christmas decoration sa opisina ni Sen. Christopher "Bong" Go.

Samantala, mga retaso ng telang mula Ilocos ang nagsilbing Christmas balls sa labas ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos.

"We are really walking the talk... Natatakot ako sa Christmas lights, dami nang aksidente," paliwanag ni Marcos

Pangako ng mga senador, pagbalik ng sesyon sa Enero ay hihimayin nila ang panukalang ipagbawal ang single-use plastic.


—Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.