Mga estudyante sa Bago City, na-food poisoning umano sa Christmas party

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 12:15 AM

Nasa 49 estudyante ng Maao Elementary School sa Bago City, Negros Occidental ang isinugod sa ospital matapos sumama ang kanilang pakiramdam Huwebes ng umaga.

Ilan sa mga Grade 1 pupils ang nakaramdam umano ng sintomas ng food poisoning tulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo kaya isinugod sila sa barangay clinic.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction Management Office ng lungsod, maaaring sumama ang pakiramdam ng mga bata dahil sa kinaing spaghetti na handa sa Christmas party.

Iimbestigahan din ng City Health Office ang caterer sa party.

Ilan sa mga pasyente ang inilipat sa Bago City Hospital. Kasalukuyang inoobserbahan pa sa ospital ang 20 estudyante.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.