Babae patay sa barbed wire dahil umano sa lalaki

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 12:33 AM

ZAMBOANGA CITY - Isang 21-anyos na babae ang napatay ng nakaaway niya matapos tumama ang leeg ng biktima sa barbed wire sa Barangay Canelar, Zamboanga City Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa pulisya, lalaki ang dahilan ng pag-aaway ng biktima at suspek.

Naabutan umano ng suspek sa Aquino Drive ang kanyang asawa na kasama ang biktima, na kalaguyo umano ng lalaki.

Sa galit ng suspek, sinugod nito ang biktima at nagkasakitan ang dalawa hanggang itinulak ng suspek ang biktima sa barbed wire.

Nakatakas ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.