6 patay sa karambola ng 4 na sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 10:42 AM

Unang binangga umano ng SUV ang isang tricycle at nadamay ang kasunod nitong isa pang tricycle at pick-up sa aksidenteng ikinamatay ng anim na katao sa Tacurong City. Larawan mula kay Al Bryan Semeniano

Anim na katao ang nasawi, kabilang na ang pitong buwang gulang na sanggol, sa aksidenteng naganap sa highway ng Purok 9, Barangay Poblacion, Tacurong City, Biyernes ng madaling araw. 

Ayon kay Staff Sergeant Rick Concepcion, apat sa mga nasawi ay mga bata.

May lima ring sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng apat na sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, una umanong binangga ng SUV ang isang tricyle na may sakay na isang mag-anak. Nadamay din ang isa pang tricycle at pick-up na nakasunod naman sa SUV.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa aksidente. Ulat nina Francis Canlas at Vina Araneta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.