1 patay sa sunog sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 03:56 PM | Updated as of Dec 13 2019 08:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos ma-trap sa nasunog na bahay sa Singalong, Paco, Maynila, Biyernes. 

Ayon kay Pol. Col. Sam Cayabyab ng Manila Police, kinilala ang nasawi na si Ruel Camero. 

Nai-report ang sunog bandang alas-11 ng umaga sa Espiritu Street, Barangay 751, Zone 81.

Ayon sa imbestigasyon, bago nangyari ang sunog ay lumabas ng bahay ang partner ng lalaki na si Anina Rose Tejas.

Duguan ito at nagpasaklolo sa mga kapitbahay na dalhin siya sa ospital.

Ayon kay Cayabyab, sinaksak ni Camero ang kaniyang kinakasama, base sa salaysay ng mga kapitbahay.

Ilang minuto ang nakalipas nagsimula na ang sunog sa bahay ni Camero.

Nagkulong si Camero sa loob ng banyo kung saan natagpuan ang kaniyang katawan.

Naideklara ang sunog na fire out alas-11:31 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.