Umano’y NPA member, patay sa engkuwentro sa Quezon

Val Balita, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2018 04:29 PM

LUCBAN, Quezon – Patay ang isang hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa engkuwentro sa bayang ito, Miyerkoles ng hapon.

Nakatanggap umano ng ulat ang 1st Quezon Mobile Force Company (1st QMFC) hinggil sa presensiya ng tinatayang 15 armadong lalaking pinaniniwalaang NPA sa Barangay Nalunao.

Agad na nag-deploy ng 4 na pangkat ang 1st QMFC sa naturang barangay at kalapit na mga lugar at nakasagupa ang grupo ng mga rebelde habang nagpapatrolya sa Barangay Kalangay.

Hindi pa nakikilala ang bangkay ng nasawing rebelde kung saan narekober din ang isang kalibre .30 carbine at magazine.

Patuloy pa ang clearing operation ng awtoridad sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.