Lola, patay matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 08:42 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lola matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo at pumailalim sa isang bus sa Fairview, Quezon City Martes ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Angelita Galan, 62 anyos.

Sugatan naman ang kanyang asawa na kinilalang si Domingo, 60 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nadulas umano ang motorsiklo, humagis ang mag-asawa, at pumailalim sa kasunod nitong bus.

"Yung babae nasa itaas, siya na ang tumama sa mga engine at chassis ng bus," ayon kay SPO2 Rabindranath Sierra.

Ayon kay Marife Las Marias, konduktor ng bus, mabagal lang ang kanilang takbo dahil maulan.

"Wala nga po sa 30 (kph) yung takbo namin. Parang pa-gewang-gewang po sila nung nakita namin," aniya.

Dead on the spot si Angelita habang isinugod sa East Avenue Medical Center si Domingo.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries with homicide ang driver ng bus. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.