Dating kasapi ng NPA, patay sa pamamaril

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 11:28 PM

COMPOSTELA VALLEY – Patay ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos pagbabarilin ng dalawang di pa nakikilalang salarin sa Pantukan, Compostela Valley, Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Michael Buligor, 27-anyos.

Sa imbestigasyon ng Pantukan police, pauwi na sana ang biktima mula sa paghatid ng kanyang live-in partner nang abangan siya ng mga salarin. 

Anim na beses umanong binaril ang biktima bago tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Ayon sa 46th Infantry Battalion ng Philippine Army, dating miyembro ng NPA si Buligor at sumuko ito noong Nobyembre 16.

"Actually, ongoing yong interview namin sa kanya but unfortunately di natuloy kasi sa nangyari. Siya kasi nagpaalam na magta-trabaho for the meantime. Actually, lumabas siya di siya nag-inform na lumabas," sabi ni Lt. Col. Michael Licyayo.

Napag-alaman din ng awtoridad na pitong taon nang pinaghahanap ng pamilya si Buligor dahil di umuuwi sa Laak, Compostela Valley kung saan ito naninirahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.