BALIKAN: Binatilyong biktima ng 'Sendong', may hiling sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 05:53 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Isa si JK Gonzaga sa mga residente ng Iligan na nakaranas ng hagupit ng bagyong 'Sendong' nang tumama ito sa bansa noong Disyembre 2011.

Tinaguriang "the deadliest storm of 2011" ang Sendong dahil sa dami ng buhay na kinitil nito.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 20,249 pamilya ang naapektuhan, 18,819 kabahayan ang nasira, at 674 ang nasawi sa Iligan dahil sa Sendong.

Walong araw na lang noon bago mag-Pasko nang tumama ang bagyo kaya sa halip na magdiwang, nagluksa ang mga residente.

Isa si JK sa mga nakapanayam ng ABS-CBN News dati, noong siya'y 12 anyos pa.

Nakita itong naglalakad sa kalsada, bitbit ang piraso ng Christmas tree na hinukay nila ng ama mula sa putikan.

Nang tanungin kung ano ang hiling nito sa Pasko, tugon nito: "Sana buo pa rin ang pamilya namin."

Makalipas ang anim na taon, susubukang hanapin ni Jeff Canoy si JK at ang kaniyang pamilya para kumustahin ang kalagayan matapos ang pinagdaanang unos.

Panoorin ang kanilang pagkikita sa "Red Alert" ngayong Miyerkoles ng gabi pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.