2 kawatan na nagpanggap na masahista, nagnakaw sa dayuhan

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 08:52 AM | Updated as of Dec 13 2017 12:11 PM

MANILA - Inaresto ang 2 kawatan matapos magpanggap na massage therapist at pagnakawan ng P28,000 ang isang dayuhan sa Ermita, Maynila, Martes.

Bumibili sa isang convenience store ang foreigner na si "Wilbert" nang lapitan siya ng mga suspek na sina Ryan Agosto, 21 at Ramil Acol, ayon sa pulisya.

Nagpakilala umano ang mga kawatan bilang masahista at inalok ng massage service si Wilbert sa loob ng isang hotel sa lugar.

Sumama ang dayuhan sa dalawa at nakaidlip matapos ang isang oras na masahe. Nang magbabayad na sana siya, napansin niyang wala na ang kaniyang mga gamit at P28,000.

Agad nagsumbong ang biktima kaya naaresto ang mga suspek bago pa man makalabas ng hotel. Nakatakda silang kasuhan ng theft. Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.