14,000 testimonya ng karahasan sa Marawi, naitala ng ARMM

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 06:16 PM

Malaking hamon ngayon sa Regional Human Rights Commission sa ARMM ang mahigit 14,000 testimonya ng iba't ibang paglabag sa karapatang pantao na naidokumento mula sa mga biktima ng krisis sa Marawi City.

"We have more than 14,000 testimonials...We are not calling it officially complaints...but that's what they went through," ani Commissioner Alikhan Abuat.

Bubuo ng team ang ARMM Human Rights Commission para tutukan ang pormal na imbestigasyon at validation sa mga naidokumentong testimonya.

"We just formally formed a team but we could not validate them [yet] because it's martial law [so] we could not enter the war zone...the national Human Rights [team] is interested to work with us on the issue of proportionality," dagdag ni Abuat.
 
Nasa rehabilitation phase na ngayon ang gobyerno matapos ang krisis sa Marawi.
    
Pero aminado ang lokal na pamahalaan ng ARMM na patuloy na nalalabag ang karapatan ng mga taga-Marawi hangga't hindi sila nakababalik sa sariling tahanan.

"As long na merong displacement, naba-violate talaga yung mga karapatan ng mga tao, that cannot be denied," ani ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia.

Kung sitwasyon sa ARMM ang pag-uusapan, suportado ng regional government ang pagpapalawig ng martial law basta't sundin lang ng mga awtoridad ang rules of engagement.

-- Ulat ni Lerio Bompat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.