Albuera police may bago nang hepe; sinibak na hepe sa Ozamiz nadestino

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2016 01:56 PM

Itinalaga bilang bagong hepe ng Albuera Municipal Police Station sa Leyte si Police Senior Inspector John Rey Layog.

Pinalitan ni Layog si Police Chief Inspector Jovie Espenido na idinawit ni drug suspect Kerwin Espinosa sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.

Sa Ozamis City naman nadestino si Espenido, alinsunod na rin sa direktibang ibinaba ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Pinangunahan ni Police Senior Superintendent Franco Simborio, Provincial Director ng Leyte Police Provincial Office, ang turnover ceremony nitong Martes ng umaga.

Naging katuwang ni Espenido si Layog sa kampanya laban sa ilegal na droga kaya hindi na ito bago sa nasabing lugar.

"Team leader" noon ng karagdagan puwersa sa Albuera si Layog mula sa Public Safety Battalion. 

Nakadalo rin sa simpleng seremonya ang alkalde ng Albuera na si Rosa Meneses.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.