PatrolPH

Apat timbog sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Taguig

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2021 07:46 AM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ang apat na lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga sa Taguig City nitong Sabado.

Sa Barangay Calzada-Tipas, tatlong lalaki ang nahuli sa kinasang buy-bust operation ng Taguig Station Drug Enforcement Unit.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang nasa P61,200.00 ang halaga nito. 

Nakuha rin sa kanila ang P200 buy-bust money at isang itim na coin purse. 

Nadakip din ang isang lalaki sa isa pang buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa ibang kalye ng nasabing barangay. 

Nakumpiska sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P200 na buy-bust money. 

Tinatayang nasa P44,200 ang halaga ng sinasabing ilegal na droga.

Nahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.