P680K halaga ng droga, narekober sa 2 suspek sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2020 12:26 PM

MAYNILA - Halos P700,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa dalawang lalaki sa Novaliches, Quezon City, Biyernes ng gabi. 

Ayon kay Police Capt. Dennis Francisco, hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nakakuha sila ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng droga ng isang lalaki. 

Nagpanggap ang isang pulis na bibili ng droga sa suspek at nakipagkita sa may gas station sa Quirino Highway sa Barangay San Bartolome sa Novaliches. 

Matapos ang bentahan, agad hinuli ang suspek at kasamahan nito. Kapwa taga Pasay ang dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo. 

Nakuha sa kanila ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P680,000. 

Nakakulong na ang mga suspek sa QCPD Station 4.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC