Bata patay sa sunog sa Mariveles, Bataan

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2020 05:54 PM

Bata patay sa sunog sa Mariveles, Bataan 1
Naiwan sa loob ng nasusunog na bahay ang 8-taong gulang na batang babae na natutulog umano nang sumiklab ang apoy. Larawan muna sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

Patay ang isang 8-taong gulang na batang babae na naiwan sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Barangay Poblacion, sa Mariveles, Bataan hatinggabi ng Sabado.

Sa isang video makikita ang malaking apoy at usok mula sa isang bahay na pag-aari umano ni Ricardo Buensalida.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakalabas ang lahat ng miyembro ng pamilya maliban sa bata na noo’y natutulog pa.

Sinubukan pa siyang iligtas ng tiyuhin sa loob ng bahay pero hindi na ito inabutan ng buhay.

Nasugatan din ang kaniyang tiyuhin sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad kung anong naging sanhi ng sunog na umabot sa unang alarma.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC