VIRAL: Magkasintahang nakamotor tinugis, kinompronta ang nakitang snatcher

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Viral ngayon sa social media ang paghabol sa snatcher ng magkasintahang sakay ng motorsiklo matapos nilang matunghayan ang pagnanakaw nito. 

Martes ng gabi, napansin ng magkasintahan ang nangyaring snatching sa boundary ng EDSA Balintawak at Caloocan.

Agad nilang nilapitan ang biktimang babae na nahablutan pala ng cellphone habang sakay ng jeep. 

Inikot ng magkasintahan ang paligid at nakilala nila ang snatcher dahil sa suot nito. 

"Naalala ko po 'yung suot kasi na damit na blue pagdaan nila samin," kuwento ng rider na si Arnel Regaton.

Kinompronta nila ang snatcher, at doon na binalik ng kawatan ang cellphone sabay takas.

Naibalik sa biktima ang cellphone pero patuloy ring tinugis ang snatcher. 

—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.