P1.7 milyong halaga ng shabu nasabat sa Rizal; 7 timbog

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:53 PM

MAYNILA - Nasabat ng pulisya ang aabot sa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa isang subdivision sa Barangay Eastwood sa Rodriguez, Rizal nitong Huwebes.

Pitong suspek- tatlong lalaki at apat na babae- ang naaresto din sa nasabing operasyon ng Marikina City Police.

Ayon kay Police Lt. Elmer Rigonan, hepe ng Marikina Police Station Drug Enforcement Unit, nasa 250 grams ng kontrabando ang nakumpiska mula sa mga suspek.

High-value target din umano ng pulisya ang apat sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.