Ex-barangay chairman, patay sa pamamaril

Lore Mae Andong, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 11:15 AM

COTABATO CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang dating barangay chairman ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao matapos pagbabarilin ng dalawang salarin sa Barangay Rosary Heights 10, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, nakatayo sa lugar ang biktimang nakilalang si Abdulbasit Macmod Taguigaya nang lapitan ng mga salarin at biglang pinagbabaril.

Narekober mula sa lugar ang mga basyo ng kalibre .45 na baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.