Bangkay ng babae natagpuan sa Taguig

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 11:46 AM

MAYNILA - Natagpuan ang isang bangkay ng babae sa bahagi ng C-6 sa Sta. Ana, Taguig nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon alas-6 ng umaga ukol sa isang bangkay na tadtad ng pasa at tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na sa tantya ng pulisya ay nasa 35 hanggang 40 taong gulang at nasa 5'1" hanggang 5'3" ang taas. 

Mahaba ang buhok nito, nakasuot ng pulang blusa, itim na maong pants at may dalang gray na shoulder bag. 

Hindi pa malinaw sa pulisya kung saan pinatay ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.