2 Chinese na miyembro umano ng 'loan shark syndicate' huli sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 06:10 PM | Updated as of Dec 12 2019 08:49 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Arestado ng pulisya nitong Huwebes ang 2 Chinese national na miyembro umano ng sindikatong loan shark o nagpapautang at nambibiktima ng kanilang mga kababayan sa Parañaque City at Baclaran. 

Pinasok ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang condo unit sa Parañaque kung saan nila nakita ang 2 suspek at isa nitong biktimang Chinese. 

Umabot umano sa P2 milyon ang utang ng biktima at nang masimot ito ay dinala siya sa hotel at doon pinatawag ang mga kaanak niya para magpadala ng pera.

"Noong matalo siya [sa casino], alam mo naman ang mga modus ng Chinese loan shark syndicate, alam na nila kung sino ang lalapitan, [so] inofferan nila ng pera," ani Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP-AKG Luzon field unit.

Ayon sa PNP-AKG, umabot na sa 69 ang mga kaso ng nabibiktima ng loan shark syndicate mula 2017 hanggang ngayong taon. 

Anim naman ang naitalang kaso ng mga Chinese na kinidnap ngayong 2019 na may kinalaman sa Philippine offshore gaming operation. —Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.