2 patay sa Meycauayan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2018 04:21 AM

BULACAN - Patay ang 2 lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Lawa, Meycauayan, Bulacan.

Kinilala sila na sina Jomar Bangog at Christian Dominguez. Nakuha sa kanila ang ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa paunang ulat ni PO1 John Joseph Acuña ng Meycauayan police, nagpaputok umano ang mga suspek nang makahalata na pulis ang kanilang katransaksiyon.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Ayon naman kay Lawa Barangay executive officer Alexander Cu, hindi taga roon ang mga napatay.

"Kahit iyong mga residente dito hindi nila kakilala," aniya.

Pinoproseso pa ng SOCO ang pinangyarihan ng krimen. - ulat nina Lyza Aquino at Bruce Rodriguez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.