2 bangkay, natagpuan sa gilid ng kalsada sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2018 04:56 AM

NORTHERN SAMAR - Natagpuan sa gilid ng kalsada ang 2 bangkay ng lalaki sa Lope De Vega, Northern Samar noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Marvin Delo Santos ng Calbayog City, Samar at Arjay Francisco Alibario ng Santa Margarita, Samar.

Nagtamo sila ng tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nakatali pa ng masking tape ang mga kamay ng isang biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. - ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.